Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacanang na malaki ang posibilidad na nagagamit na ng mga drug lords ang mga human rights group para labanan ang kampanya ng administrasyong Duterte ang iligal na droga sa bansa.
Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap na rin ng patuloy at mas lumalakas pang kampanya ng ibat-ibang grupo laban sa mga hakbang ng Administrasyon sa pagpapatupad ng war on illegal drugs.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, malaki na ang naging dagok sa illegal drug operations ng ipinatutupad na war on drugs ng administrasyon dahil bilyon-bilyong piso na ang nawala sa mga drug lords matapos sumuko ang mahigit 1 milyong drug users, pagkakaaresto sa libo-libong drug pushers at pagkakasabat sa bilyon -bilyong pisong halaga ng iligal na droga.
Dahil aniya dito ay hindi malayong gamitin ng mga drug lords ang kanilang pera para pondohan ang mga destabilization efforts laban sa Administrasyong Duterte.
Tiniyak naman ni Roque na hindi patitinag ang Administrasyon at patuloy na itataguyod ang paglaban sa iligal na droga, krimenalidad at katiwalian.