Pinatawan ng dalawang taong ban ng Korean Basketball League ang Pinoy big man na si Justine Baltazar.
“No show’ kasi si Baltazar bago ang player registration deadline para maglaro sa Seoul Samsung Thunders.
Sa ginawang finance committee meeting ng KBL ngayong Huwebes, nagdesisyon silang i-ban ng dalawang taon sa liga ang dating De la Salle Green Archers star dahil sa breach of contract.
Ibig sabihin, hindi makakapaglaro ang 6-foot-9 forward sa liga hanggang sa 2025 season.
Lumagda si Baltazar ng kontrata sa Thunders nito lamang Enero matapos ang paglalaro sa Hiroshima Dragonflies sa Japan B.League.
Napag-alaman na hindi sumipot si Baltazar dahil naglaro ito sa Strong Group Philippines SA 32nd Dubai International Basketball Championship at hindi rin siya ma-contact ng Thunders.