Blockbuster deal: Superstar Kevin Durant balik Western Conference, kinuha ng Phoenix Suns

Balik Western Conference na ang superstar at 2-time NBA champion na si Kevin Durant.

Ito ay matapos ang matagumpay na trade sa pagitan ng Phoenix Suns at Brooklyn Nets.

Kinuha ng Suns si Durant at T.J Warren kapalit nina Mikal Bridges, Cameron Johnson, Jae Crowder at apat na first-round draft picks.


Inaasahang mas lalakas pa ang Suns lalo na sa bagong “big three” na binubuo nina Chris Paul, Devin Booker at Durant.

Sa kasalukuyan ay 30-26 ang kartada ng Suns at nasa ika-apat na pwesto sa Western Conference.

Dahil sa pag-alis ni Durant sa Nets, tuluyan nang nabuwag ang “big three” nila na binubuo nina Kyrie Irving at James Harden na inaasahang makakakuha sana ng maraming kampyonato.

Una nang umalis si Harden at naglalaro ngayon sa Philadelphia 76ers habang kamakailan lamang ay na-trade si Irving sa Dallas Mavericks.

Facebook Comments