Mula kina Malakas at Maganda hanggang kay Zuma, Darna, at Captain Barbell—bumida ang mga Pinoy Book Characters sa isinagawang Costume Contest sa Alaminos City.
Bilang paggunita sa 67th Public Library Day, isinagawa ang Pinoy Book Characters Costume Contest sa Alaminos City upang mahikayat ang mga kabataan na tanggkilikin ang pagbabasa ng mga libro, lalo na ang mga panitikang Pilipino sa gitna ng mabilis na pag-usbong ng teknolohiya.
Suot ang kanilang mga malikhaing costumes, buong giliw na rumampa ang mga bata upang ipakita ang kanilang pakikiisa sa adhikain na ito na sinuportahan naman ng Sangguniang Panlungsod at ng DepEd Alaminos City Division.
Sa ilalim ng Proclamation No. 563, s. 1959, Ang Public Library Day ay naglalayong mabigyang importansiya ang gampanin ng mga Public Libraries bilang sentro ng karunungan at pangunahing daan para sa ilang impormasyon.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang mga ganitong programa ay isa lamang sa mga paraan upang hikayatin pa ang karamihan na gamitin ang mga Public Libraries at muling buhayin ang pagkahilig sa pagbabasa ng mga libro. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







