Pinoy boxer Jerwin Ancajas, nahirapan sa kanyang laban sa ‘Battle for Brisbane’

Sports – Aminado si World Champion Jerwin Ancajas na nahirapan siya sa pag-iskor ng panalo nitong ‘Battle for Brisbane’ sa Australia.

Ayon kay Ancajas, ramdam niya ang determinasyon ng kanyang kalaban na si Teiru Kinoshita sa 12-round fight na main undercard ng laban ni People’s Champ Manny Pacquiao at Australian Jeff Horn.

Nakatulong aniya sa kanyang career ang lumaban sa harap ng higit 50,000 katao.


Umaasa ang pinoy boxer na mapasabak na siya sa mga level-up na laban matapos ang kanyang impresibong performance sa Brisbane.

Facebook Comments