Pinoy boxer John Dato, talo sa featherweight match nila ni Angel Contreras ng Mexico

Natikman ni Filipino boxer John Dato ang kauna-unahan niyang career loss matapos talunin ni Mexican boxer Angel Contreras sa kanilang 8-round featherweight match ngayong araw.

Nanalo si Contreras via unanimous decision, na isa sa mga undercard matches sa inaabangang sagupaan nina Manny Pcaquiao at Yordenis Ugas para sa WBA welterweight super title.

Bago ang pagkatalo, hawak ni Dato ang record na 16 wins, 1 draw at 11 knockouts.


Facebook Comments