Pinoy comics artist Jun Lofamia, pumanaw na

Pumanaw na ang pinoy comics artist na si Jun Quintana Lofamia sa edad na 81.

Ito ang kinumpirma ng anak niyang si Mylene Esteban sa isang facebook post.

Ayon naman sa kaibigan nitong si Erni Labao, namatay si Lofamia dahil sa atake sa puso noon pang December 3.


Taong 1967 nang magsimula ang karera ni Lofamia bilang illustrator at artist para sa comics magazine publisher na Liwayway Publishing Inc.

Si Lofamia ay kabilang rin sa mga kauna-unahang Filipino Wave artist na na-hire ng DC Comics.

Nagsilbi rin siyang layout artist ng Fox Animation para sa 1997 animated film na Anastasia at 1999 film Bartok the Magnificent.

Nagtrabaho rin siya bilang Visual Development Artist para sa animated Sci-Fi film na Titan a.e. noong 2000.

Facebook Comments