‘Vintage Bomb’, Narekober sa City of Ilagan, Isabela!

393

Cauayan City, Isabela- Narekober ng mga otoridad ang isang vintage bomb sa isang compound sa Brgy Sipay, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nakatanggap ng tawag ang himpilan ng PNP Ilagan mula kay Elvie Bauit na residente ng Brgy Sipay kaugnay sa nakita nitong bomba sa bahagi ng kanilang bahay.

Nang magtungo ang kapulisan sa lugar ay nakumpirma at nakita ang isang vintage bomb sa harap ng bahay ni Bauit.


Ayon kay Bauit, nakita umano nito na may nilalarong bomba ang kanyang pamangking lalaki kaya’t agad na inireport sa pulisya.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang narekober na vintage bomb para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments