Pinoy driver na sinasabing tumulong sa pagpapakamatay ng amo sa Hong Kong, pansamantalang nakalaya

Pansamantalang nakalaya ang 48-anyos na Filipino driver na sinasabing tumulong sa pagpapakamatay ng amo sa Hong Kong.

Ito ay matapos na magpiyansa ang Pinoy driver habang nagpapatuloy ang paglilitis sa kaniya.

Babalik sa korte sa Hong Kong ang naturang Pinoy sa kalagitnaan ng Enero.


Nabatid na kinasuhan ng Hong Kong authorities ang Pinoy matapos itong sumunod sa utos ng kaniyang mag-asawang amo habang ginagawa ng mga ito ang pagpapakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng mga medisina at sa tangkang pagsunog sa sarili nilang sasakyan.

Ang 66-anyos na Chinese na lalaki ay tuluyang binawian ng buhay habang ang maybahay nitong 62-anyos ay nalagay sa kritikal na kundisyon matapos na uminom ng gamot.

Batay sa report, inutusan ng babaeng amo ang Pinoy driver na dalhin sila sa ibang direksyon sa halip na dumiretso sa ospital kaya nadamay sa kaso ang Overseas Filipino Worker (OFW).

Facebook Comments