DA at ilang stakeholders, nagkasundong magpatupad ng SRP sa pulang sibuyas

Nagkasundo ang Department of Agriculture (DA) kasama ang mga stakeholder na magtakda ng Suggested Retail Price (SRP) sa pulang sibuyas.

Napagkasunduan na ang magiging SRP ay P250/kg sa pulang sibuyas sa nalalabing araw ng December 2022 hanggang sa unang linggo ng January 2023.

Kabilang sa mga dumalo sa isang pulong ay mga stakeholder gaya ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), mga kinatawan ng mga multi-purpose cooperative at mga opisyal ng DA.


Tugon ito sa walang tigil na taas presyo ng sibuyas na naglalaro mula 500 hanggang P720/kg sa ilang palengke sa Metro Manila.

Kabilang sa mga hakbang na gagawin ay ang pagdaragdag ng ibinebentang murang sibuyas sa Kadiwa stores.

Napag-usapan din ang importation ng sibuyas, pero inalmahan ito ng grupong SINAG.

Ayon sa grupo, matatagalan pa bago dumating ang aangkating sibuyas at malamang na abutan ang panahon ng anihan.

Facebook Comments