Pinoy driver sa UK Embassy pinarangalan ni Queen Elizabeth II

Image via Facebook/British Embassy Manila

Ginawaran ng honorary medal ni Queen Elizabeth II ang isang Pinoy dahil sa kanyang 33 taong paninilbihan bilang driver ng British Embassy, dito sa Pilipinas.

Galing Ilocos Sur, nakipagsapalaran sa Maynila si Roland Quitevis para makahanap ng trabaho.

Sa edad na 22, nagsimula ito bilang messenger sa embahada hanggang ma-promote na official driver.


Sa loob ng mahigit tatlong dekadang pagmamaneho, walong diplomat at ilang matataas na opisyales ang napagmaneho ni Quiteves.

Kasama sa mga naisakay nito sila Prince Charles, Princess Anne, at Prince Andrew nang dumalaw sa Pilipinas.

Taos-puso ang pasasalamat ni Quitevis sa medalyang ibinigay sa kanya at oportunidad na maging parte ng comprehensive driving courses sa United Kingdom noong 1999 at 2013.

Ayon kay British Ambassador Daniel Pruce, karapat-dapat parangalan si Quiteves dahil sa natatanging serbisyong inalay nito para sa embahada.

Facebook Comments