Kawhi Leonard na-starstruck nang makita si Manny Pacquiao

406
Image via Instagram/Manny Pacquiao

Hindi mapigilan mapangiti ni NBA Finals MVP at dating Toronto Raptors superstar Kawhi Leonard nang makita ng personal si Senador Manny Pacquiao.

Binati ni Kawhi si ‘Pambansang Kamao’ matapos pataubin si Keith Thurman sa kanilang laban na ginanap sa Las Vegas nitong Linggo, oras sa Pilipinas.


Nakamit ni Pacquiao ang titulong World Boxing Association (WBA) super welterweight champion.

 

View this post on Instagram

 

✋🏽

A post shared by Manny Pacquiao (@mannypacquiao) on

Sa Instagram post ni Pacman, makikitang nakangiti ang dalawa at nakaakbay pa ang kaliwang kamay ng NBA star player sa balikat ng senador.

Mapapansin din sa post na gumamit ng emoji na kamay si Pacquiao na kumakatawan sa galing at laki ng kamay ni Kawhi.

Isa si Kawhi sa libo-libong personalidad na nanood ng live match ni Pacquiao sa MGM Grand Garden Arena. Hindi din masyadong malayo ang agwat ng upuan nito sa pinupuwestuhan ni Jinkee Pacquiao sa ringside.

Malaki ang kontribusyon ni Kawhi sa pagiging kampyeon ng Raptors noong nakaraang NBA season ngunit ginulantang niya ang sambayanan matapos mag-desisyong lumipat sa Los Angeles Clippers.

Facebook Comments

From Advertisers