Pinoy figure skater Michael Martinez, pasok na sa 2018 winter Olympics

188

Manila, Philippines – Pasok na sa 2018 winter Olympicsang pambato ng pinas sa figure skating na si Michael Christian Martinez.

 
Kumana ng kabuuang iskor na 196.79 ang 20-anyos na pinoyfigure skater na dahilan para humilera ito sa ika-24 na puwesto sa overallstanding ng 2017 world figure skating championship sa Finland.

 
Ang top 24 sa overall standing ang nakatakdang umabantesa 2018 winter olympics na gaganapin sa Pyeongchang, South Korea.

 
Si Martinez ang pinakaunang Southeast Asian figure skaterna lumaban sa winter Olympics at nakakuha ng ika-19 na puwesto sa Sochi games kung saan siya lamang ang pinoy namanlalaro.

Photo from: www.goldenskate.com

Facebook Comments