Andi Eigenmann at Jake Ejercito muling nagpasaringan sa social media kahapon

657

Manila, Philippines – Muling nagpasaringan ang datingmagkasintahan na sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito sa social media kahapon.

 
Unang nag-tweet si Jake na tila may pinatatamaan siyangtao dahil hindi niya nagustuhan ang mga lumabas sa bibig nito.

 
Sinagot naman ito ni Andi ng dalawang makahulugang tweetna tila patama sa ama ng kanyang anak dahil binanggit niya dito na dati niyangminahal ang taong ito at tinukoy ang kanilang anak.

 
Sa sumunod na tweet, sinabi nitong nasaktan siya noonpero tapos na iyon at ngayon ay hinahangad niya ang makabubuti para dito at sakanilang anak.

 
Matatandaang noong August 2016, nagkaroon din ng awayanang dalawa sa social media kung saan sila nagpalitan ng maaanghang naakusasyon.

Photo from: cosmo.ph
 

 

Facebook Comments