Pinoy golfer Yuka Saso, nagtapos ng ika-39 na puwesto sa Women’s British Open

Nagtapos sa ika-39 na puwesto ang Pinoy golfer na si Yuka Saso sa Women’s British Open sa Scotland.

Ito ay matapos makapagkamit ng aggregate score na 288 kasabay ng dalawa pang kalahok sa patimpalak.

Nakapagtala ang Filipino-Japanese golfer ng three-over 75 sa ikaapat at huling round sa Carnoustie Championship Course kung saan nakapagtapos si Saso ng out of podium contention.


Matatandaang nirepresenta ni Saso ang bansa sa 2020 Tokyo Olympics nitong Agosto 9.

Facebook Comments