Higit P650-M na pondo mula sa gobyerno, natanggap na ng lokal na pamahalaan ng Pasig

89

Natanggap na ng lokal na pamahalaan ng Pasig ang aabot sa P650.8 million na pondo mula sa gobyerno.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, nailipat na sa Landbank account ng lokal na pamahalaan ang ayuda mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Aniya, inaantay pa niya ang guidelines mula sa national government bago gamitin ang pondo upang ipamahagi sa mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP).


Ibabahagi aniya agad ang ayuda sa mga residente ng lungsod kapag mayroon nang go-signal mula sa national government.

Facebook Comments