Pinoy Karate Champion James de los Santos, target na maging world number 1

96

Wagi ang Pinoy Karate Champion na si James De Los Santos sa naganap na Balkan Open E-Tournament.

Ito ang pangatlong gold medal ni James matapos nitong talunin ang pambanto ng Slovenia, Morocco at Spain.


Panalo rin si de los Santos kontra South Africa sa final round ng E-Tournament.

Ayon kay de los Santos, ang panalong ito ay magdadagdag ng puntos sa virtual kata world rankings.

Aniya, target din niyang makuha ang number 1 world ranking.

Sa ngayon, nasa world number 3 na ng male seniors division ang Pinoy Karate na si de los Santos.




Facebook Comments