Pinoy Karate Star na si James De los Santos, no. 1 sa rankings ng E-Kata

40

Nakamit ng Filipino Karate Star James De los Santos ang unang pwesto sa larangan ng E-Kata.

Ito’y matapos masungkit ng 30-year-old na Pinoy ang kanyang ika-17th gold medal sa Katana Intercontinental Karate League E-Tournament.


Nakapagtala ng halos 26.1 na puntos si De los Santos dahilan para makuha nito ang kampeonato.

Tinalo ng E-Kata Champion ang pambato ng Costa Rica na si Juan Anchio na nagkakukha lamang ng 25.1 na puntos.

Facebook Comments