Pinoy math genius, nakapagtapos ng 5.0 perfect GPA sa isa sa top university sa Estados Unidos

285

Nakakuha ng perfect score na 5.0 grade point average (GPA) ang isang Pinoy math genius na si Farrell Eldrian Wu sa isa sa Massachusetts Institute of Technology.

Nabatid na katulad ng marami, nakaranas si Wu ng pagsubok at hamon habang nag-aaral nitong pandemya.


Pero giit nito, malaki ang naitulong ng kaniyang online resource materials noong high school na mula sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) at Ateneo de Manila University (ADMU).

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Wu ang kaniyang pamilya, kaibigan, mentor at guro na sumuporta at nagbigay ng oportunidad na matuklasan ang kaniyang abilidad.

Bunsod nito, nakatakdang magtrabaho si Wu sa isa sa pinakamalaking financial technology company sa buong mundo.

Facebook Comments