Vice mayor na inakusahan sa pagpatay sa dating bise alkalde sa Masbate, inaresto

318

Inaresto si Batuan Vice Mayor Nelson Cambaya bilang isa sa pitong suspek sa pagpatay kay dating bise alkade ng bayan na si Charlie Yuson III noong 2019.

Ayon sa otoridad, natunton si Cambaya sa pamamagitan ng Barangay Intelligence Network (BIN) kung saan nakatakda itong sampahan ng kasong murder at frustrated murder.


Sa ngayon, nasa kamay na ng Mercedes Municipal Police Station ang dating bise-alkalde kabilang ang ilan pang suspek sa pagpaslang kay Yuson.

Matatandaan nitong Oktubre 2019 nang pinagbabaril si Yuson ng mga armadong lalaki sakay ng isang van sa Sampaloc, Manila.

Facebook Comments