Pinoy na kabilang sa mga nasawi sa bus accident sa Dubai, kinilala na

795
Courtesy: News18

Nakilala na ang bangkay ng isang Pilipinong nasawi sa bus accident na pumatay sa 17 katao sa Dubai noong Eid holiday.

Kinumpirma Philipine Consulate General sa Dubai na ang pasaherong Overseas Filipino Worker (OFW) ay nagngangalang Marie January Ventura-Gallardo, 37, tubong Isabela.


Ang nakababatang kapatid na lalaki nito na mula sa Oman ang kumilala sa bangkay ng Pinay.

Siniguro naman ni Consul General Paul Raymund Cortes na magpapaabot ang ahensya ng kinakailangang tulong gaya ng proseso ng pag-uuwi ng mga labi ng biktima sa bansa.

Naaksidente ang sinasakyan nila Gallardo na tourist bus sa Al Rashidiya exit ng Sheikh Mohammed Bin Zayed Road sa Dubai nito lamang Hunyo 6.

Isang taon nang physical therapist sa Oman si Gallardo, na may naiwang dalawang anak.

Batay sa mga ulat, 12 sa 17 namatay na pasahero ay Indian, dalawa ang Pakistani, isang Irish, Omani at Pilipino.

Facebook Comments

From Advertisers