Pinoy na nakaligtas sa parusang bitay sa Kuwait, nakauwi na ng Pilipinas

Kinumpirma ng Deparment of Foreign Affairs (DFA) na nakabalik na ng Pilipinas ang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait na una nang nahatulan ng kamatayan noong 2008 matapos mapatay ang kaniyang Filipina partner.

Mismong si Philippine Embassy Chargé d’Affaires at Consul General Mohd Noordin Pendosina Lomondot ang naghatid sa OFW na si Bienvenido Espino sa Kuwait International Airport.

Si Espino ay 13 years na nakulong sa Kuwait bago nabigyan ng Amiri pardon.


Siya ay nagbigay ng blood money sa pamilya ng biktima kaya siya pinatawad ng mga ito.

Umaasa naman ang Philippine Embassy na magsisimula ng kaniyang panibagong buhay sa Pilipinas si Espino sa kaniyang pagbabalik-bansa.

Facebook Comments