Pinoy, nadiskubre na ang kanilang home decor pearl ay nagkakahalagang P4.7 billion

Image via Instagram/ Giga Pearl

Nadiskubre ni Abraham Reyes, pinoy na nakatira sa Ontario, Canada, na nagkakahalagang P4.7 billion pala ang pag-aakalang ornament lamang sa bahay ay isa palang perlas.

Sa bigat nitong 27.64 kilos ay itinuturing na panagalawa sa pinakamalaking perlas sa mundo. Una rito ang 34 na kilos na perlas na matatagpuan sa Puerto Princesa, Palawan at nagkakahalaga namang $100 million dollars.

Tinawag ni Reyes na ‘Giga Pearl’ dahil sa angkin nitong laki at bigat. Mayroon itong 22-carat na octopus na nagsisilbing stand nito.


Pinaniniwalaan ni Reyes na binili ito ng kaniyang lolo sa mga mangingisda na mula sa isang clam noong 1959.

Dinala ang perlas sa Gemological Institute of America sa New York City upang pag-aralan at sinabing ang perlas higit isang libong taong gulang na.

Nahigitan nito ang Pearl of Lao Tzu na itinuturing na pinakamalaking perlas sa mundo simula noong 1939.

Facebook Comments