Muling bumida ang galing ng isang Pinoy matapos maka-imbento ng aerial drone na puwedeng sakyan ng indibibdwal.
Ayon kay Kyxz Mendiola, natapos na niya ang improvised prototype ng binuong flying car noon na tinawag niyang Future Eight.
Kaya umanong humimpapawid nito nang may sakay na 100 kilo.
Maliban sa alternatibong solusyon sa matinding trapiko, maari itong i-develop pa bilang rescue drone ng mga bumbero.
Sa kasalukuyan, sanib-puwersa sina Mendiola at kaniyang investor sa pagpapaganda ng electric manned aerial vehicle. Tiniyak din nilang ligtas ang imbesyon pero sumasailalim pa sa matinding pagsusuri bago ilabas at ibenta sa publiko.
Matatandaang nagsagawa ng test launch si Mendiola sa nilikhang “Koncepto Millenya”, isa pang uri ng ultralight aircraft na kayang lumipad nang may lulan na 50 kilo at may bilis na 60 kph noong Setyembre 23, 2018.