Pinoy nurse sa UK, pinarangalan dahil sa mga nagawa sa kasagsagan ng pandemya

Isang Filipino nurse sa United Kingdom ang binigyang pagkilala dahil sa mga nagawa nito sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Ang tubong-Iloilo na si Ariel Lañada ay isa sa dalawang pinarangalan ng BAME (Black, Asian and Minority Ethnic) Nurse of the Year.

Kasunod ito ng pamimigay niya ng hot meals sa mga local healthcare workers, partikular sa Oxford University Hospital sa panahon ng pandemya.


Nag-organisa rin siya ng grocery delivery at online consultation para sa mga miyembro ng Filipino community na tinamaan ng virus.

Si Lañada ay registered teacher din sa Oxford Brooks University at nagsisilbi ring distant professor sa Central Philippines University-College of Nursing.

Facebook Comments