Iginiit ni Camarines Sur Representative Lray Villafuerte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na tuparin ang pahayag nito na poproteksyunan ang mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea.
Mensahe ito ni Villafuerte sa AFP sa harap ng nakatakdang pagpapatupad ng China simula June 15 ng 60-araw na detention policy sa mga “trespassers” sa South China Sea damay ang bahagi ng ating teritoryo sa West Philippine Sea.
Bunsod nito ay hiniling ni Villafuerte sa Philippine Navy, Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BF
AR) na magdagdag ng malakas na presensya sa WPS para matiyak ang proteksyon sa ating mga kababayang mangingisda.
Ayon kay Villafuerte, dapat panindigan ng liderato ang AFP ang pahayag nito na walang dapat ipangamba ang mga Pilipinong mangingisda laban sa posibeng harassment o panggigipit ng China sa West Philippine Sea kung saan nagpapatupad na rin ito ng fishing ban.