Pinoy Pole Vaulter EJ Obiena, nasungkit ang kauna-unahang medalya sa 2020 Monaco Wanda Diamond League

Nasungkit ng kauna-unahang Pilipino na si EJ Obiena ang bronze medal sa pole vault competition sa katatapos lang na prestihiyosong 2020 Wanda Diamond League na ginanap sa Monaco.

Nanalo si Obiena matapos malusutan ang 5.70 meters sa kaniyang ikalawang attempt dahilan para maiuwi ang pangatlong puwesto.

Maganda ang ipinakita na laban ng Pinoy pride para makuha ang karangalan sa kabila ng mga matinding kalaban sa kompetisyon tulad nina world-record holder and No.1 ranked Armand Duplantis ng Sweden na nasungkit ang gold medal at Olympic champion Thiago Braz Da Silva ng Brazil na nalagay sa ikalimang-puwesto.


Matatandaang nasungkit ni Obiena ang gold medal sa 2019 Southeast Asian Games matapos malusutan ang 5.45 meters.

Si Obiena rin ang unang Pinoy na pasok sa Olympics matapos talunin nito ang 5.81 clearance na national record.

Sa ngayon, nakatira si Obiena sa Italy kung saan siya nag-eensayo para sa laban niya sa Olympics na nakatakda sa susunod na taon matapos hindi matuloy dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments