Pinatawan ng 10 taon na pagkakakulong ang isang Filipino sa United Arab Emirates matapos sumali sa Islamic State at ipalaganap sa social media ang ideolohiya nito, ayon sa Emirati media.
Ayon sa state news agency na WAM, ang akusado na 35-anyos na lalaki ay pinagmulta ng 2 milyong dirhams o halos 28 milyong piso ng Abu Dhabi Court of Appeal, at ipadedeport pagkatapos ng sintensya.
Batay naman sa lokal na diyaryo sa UAE na The National at Gulf News, isang domestic worker ang akusado.
Wala umano itong technical skills para patakbuhin ang sinasabing social media accounts, ayon sa kanyang abogado, na iniulat ng The National.
Wala pa naman naipadadalang komento ang Reuters o maging ang abogado ng Pinoy sa embahada ng Pilipinas.
Nakaraang taon nang maipasa sa UAE na kaibigang bansa ng U.S ang batas kontra terrorism financing, habang naipasa naman ang batas kontra terorismo noong 2014.