Magsisilbing Flag Bearer ng Pilipinas sa Closing Ceremonies ng 30th Southeast Asian Games ang surfer na si Roger Casugay.
Ayon kay Philippine Sports Commission Chairperson William Ramirez, ang palaro ay hindi lang nakatuon sa pagkamit ng medalya, kundi pati na rin sa Character, Resilience, at pagpapakita ng pagmamahal at tiwala sa ibang tao, na siyang ipinamalas ni Casugay.
Maliban dito, plano rin ng PSC na bigyan ng Speacial Plaque of Recognition at Cash Incentive si Casugay dahil sa kanyang kabayanihan.
Matatandaang nasa kalagitnaan ng Men’s Longboard Competition nang iligtas ni Casugay ang katunggaling Indonesian Surfer matapos matanggal ang tali nito sa surfboard.
Si Casugay ay nag-uwi ng Gintong Medalya sa event.
Ang Closing Rites ng Sea Games ay gaganapin na bukas (Dec. 11) sa New Clark City Athletics Stadium.