
Pinag-iingat ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga residente sa northeastern Mindanao kasunod ng pagtama ng magnitude 7.5 na lindol sa baybayin Manay, Davao Oriental.
Ayon sa Phivolcs, posibleng magkaroon ng mga aftershock kasunod ng malakas na lindol sa naturang lugar.
Asahan na rin ang pinsala sa imprastraktura na dulot ng pagyanig.
Una rito, tumama ang naturang lindol na may lakas na magnitude 7.6 pero na-downgrade sa magnitude 7.5.
May lalim na 20 kilometro at tectonic o may kaugnayan sa paggalaw ng earth’s crust ang pinagmulan ng lindol.
Facebook Comments









