Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa mahigit P1 bilyon ang inisyal na iniwang pinsala ng nagdaang bagyong Ulysses sa sektor ng agrikultura, livestock at imprastraktura sa lalawigan ng Isabela.
Ito ang inilabas na datos ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Jimmy Rivera sa ginawang Joint Post-Disaster Assessment and Rehabilitation Planning na dinaluhan ng mga alkalde
Ayon naman kay Governor Rodito Albano III, hindi oras ngayon ng sisihan sa nangyaring malawakang pagbaha bunsod ng pag-uulan sa malaking bahagi ng Cagayan Valley.
Inirekomenda naman ng gobernador ang pagsasailalim sa dredging sa maliliit na sapa bilang nakikitang solusyon upang mapagaan ang posibleng pagbaha sakaling makaranas ng matinding kalamidad.
Sinabi pa ni Albano, kinakailangan na mag-upgrade ng mga kagamitan gaya ng pagbili ng mga bangka na pagsasakyan ng mga tao kung may kalamidad.
Iminungkahi din nito na kailangang mabago ang paraan ng pagtugon sa kalamidad o mas palawakin pa ang kaalaman ng mga rescuer pagdating sa sakuna.