Pinsala na sa agrikultura, maaring lumampas pa P3.6 billion kung wala nang pagsabog muli ang Bulkang Taal

Tinaya ng Department of Agriculture (DA) na sisipa pa ang kasalukuyang P3.6 bilyong halaga ng pinsala sa agrikultura Sakaling magkakaroon pa ng muling pagsabog ang Bulkang Taal.

Ayon kay DA Secretary William Dar, patuloy ang pagsisiyasat ng kaniyang mga tauhan sa mga sakahan, pataniman at pangisdaan gayundin sa poultry at livestock para malaman ang inaasahang tulong ng gobyerno sa mga magsasaka at mangingisda at ang lawak ng damage ng bulkan sa naturang sektor .

Gayunman, sinabi ng kalihim na kung titindi naman ang sitwasyon ang Cavite, Laguna, Batangas at Quezon ang higit na apektadong lugar ng pagsusungit ng bulkan.


Aniya sa Calabarzon matatagpuan ang malalaking pabrika, taniman ng niyog, palayan, pangisdaan  na higit na maapektuhan sakaling magkaroon muli ng mas matinding pagsabog ang Bulkang Taal.

Facebook Comments