Pinsala ng Amazon Rainforest sa Brazil, lumobo ng halos 9.5 percent

Lumobo ng halos 9.5% ang nangyayaring deforestation sa Amazon Rainforest sa Brazil ngayong taon.

Tinatayang nasa 11,088 kilometro o halos 4,281 square miles nito ang nasira mula noong Agosto 2019 hanggang Hulyo ng kasalukuyang taon.

Nabatid na ang Amazon Rainforest ang tahanan ng halos tatlong milyong uri ng hayop at halaman at ng halos isang milyong indigenous people.


Batay sa mga scientist at expert sa nasabing bansa, lumubha ang pinsalang ito mula nang maupo sa pwesto si Jair Bolsonaro bilang presidente.

Facebook Comments