Pinsala ng Bagyo sa Agrikultura sa Lalawigang Isabela, Pumalo na sa Mahigit Pitong Bilyon!

Cauayan City, Isabela – Pumalo na sa mahigit pitong bilyon ang pinsala ng bagyo sa agrikultura dito sa lalawigan ng Isabela.

Ayon kay ginoong Romy Santos, ang media consultant ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela na karamihan umano sa napinsalang pananim ng mga magsasaka sa probinsya ng Isabela ay ang pananim na mais kung saan ay umaabot na ito sa tatlong bilyon, anim na daan at dalawang milyong piso kumpara sa palay na may tatlong bilyon, isang daan at walumpu’t dalawang milyong piso.

Aniya inaasahan pa umano ang pag-akyat ng halaga sa pinsala ng mga pananim sa mga sususnod pa na araw dahil sa patuloy pa umano ang pagkuha ng datos ng bawat bayan sa Isabela.


Kaugnay nito, dahil sa pinsalang idinulot ng bagyong ompong ay maari umano na lahat ng mga magsasaka na may tinamnan na isang ektarya pababa ay mabibigyan ng kabayaran sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC dahil sa lahat umano ng marginalized farmers sa Isabela ay ipinasok ng provincial government ng Isabela sa ilalim ng BRO Insurance program.

Sinabi pa ni ginoong Santos na nagbigay na umano ng abiso si ginoong Manuel Acierto, ang pinuno ng BRO Program ng Isabela na magtungo sa kanilang munisipyo o City Agriculturist ang mga magsasaka upang kumuha ng form at isumite ito dahil sa mayroong sampung araw na palugit para magsumite ng kanilang claims.

Facebook Comments