Umabot na sa P718 million ang naging pinsala ng Bagyong Agaton sa agrikultura.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), kabilang dito ang mga naitalang pinsala sa Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN Region at Caraga.
Aabot sa 21,000 magsasaka ang apektado kung saan nasira ang nasa 41 metric tons na produkto at 17,000 na hektarya ang napinsala.
Kabilang ang mais, palay, high value crops at mga livestock.
Sinabi ng DA na posible pang tumaas ang pinsala sa agrikultura ng nasabing bagyo.
Facebook Comments