OPLAN BIYAHENG AYOS: SEMANA SANTA AT SUMMER VACATION 2022 NG LTFRB REGION 1, NANANATILING MAIGTING ANG PAGPAPATUPAD

Tuloy tuloy ang ginagawa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 1 at ng Enforcement Team ng mas pinaigting na Anti-Colorum Operations simula noong ilunsad ang Nationwide Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa noong nakaraang linggo.
Bumisita ang mga empleyado ng LTFRB sa terminal ng mga pampublikong sasakyan sa Probinsya ng La Union at Pangasinan upang siguraduhin na mas ligtas at komportable ang mga mananakay patungo sa kanilang destinasyon.
Naglagay din sila ng Malasakit Help Desk upang matugunan ang mga concern ng mga biyahero ngayong Semana Santa.

Ngayong araw ay inaasahang dadagsa ang mga biyahero palabas at pauwi ng kani-kanilang lugar sa buong Rehiyon Uno ngunit pinasiguro ng ahensya na nakatutok sila sa mga kaganapan sa mga terminal at kakalsadahan. | ifmnews
Facebook Comments