Umakyat pa sa ₱615.72 milyon ang pinsala sa agrikultura ng Bagyong Fabian.
Batay sa Department of Agriculture (DA), nasa 30,916 hektarya ng agricultural areas o 9,777 metric tons ang naapektuhan ng bagyo habang ₱10 milyong halaga ng agricultural facilities ang napinsala.
Pinakamalaking napinsala ang rice sector na may 92 percent total damage.
Umabot naman sa 24,596 magsasaka, mangingisda at livestock raisers ang naapektuhan sa mga rehiyon ng Cordillera, Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol at Western Visayas.
Facebook Comments