iFM Laoag –Umabot na nang higit Isang (1) Billiong pisong halaga ng ari-arian, pananim, infrastraktura at mga alagang hayop na napinsala ng nagdaang bagyong Ineng.
Sa kabuohan, ₱1,166,521,683.38 ang naitala sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) simula kaninang umaga.
Patuloy parin ang relief operation ng lalawigan sa pamumuno ni Governor Matthew Marcos Manotoc. Kabilang narin dito ang mga ayuda ng pamahalaan gaya na lamang ng DSWD na ayun kay Secretary Rolando Bautista na daragdagan pa nila ito.
Binisita rin niya ang pamilya ng nasawing si Pauleen Corpuz sa bayan ng Pasuquin, Ilocos Norte at nagabot ng tulong pinansyal mula sa capitolyo ng probinsya.
Nagsidatingan narin ang ayuda galing sa People’s Republic of China sa pamumuno ni Ilocos Norte Consul Zhou Youbin.
Una nang nagbahagi ng tulong sina Senator Imee R. Marcos at Senator Bong Go, DSWD Secretary Rolando Bautista at Agriculture Secretary William Dar.
Nakahanda naman ang Ilocos Norte sa pagpasok ng panibagong bagyong “Jenny” na posibleng magdudulot nanaman ito ng pinsala sa nasabing lugar.
Bernard Ver, RMN News