Pinsala ng Bagyong Karding sa agrikultura, higit P3-bilyon na!

Sumampa na sa mahigit tatlong bilyong piso ang pinsalang iniwan ng Bagyong Karding sa sektor ng agrikultura.

Sa datos ng NDRRMC, pinakamalaking pinsala ay naitala sa Central Luzon na umabot sa P2,776,234,851.

Sa kabuuan, 166,630 ektarya ng mga pananim ang nasira ng bagyo.


Aabot naman sa P14,141,725 ang danyos sa mga alagang hayop at pangisdaan.

Apektado ng bagyo ang 104,500 na mga magsasaka mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, CALABARZON at Bicol Region.

Nakapagtala rin ang NDRRMC ng P23,750,000 na pinsala sa irigasyon at P23,947,000 sa imprastraktura.

Facebook Comments