Pinsala ng Bagyong Odette sa imprastruktura at agrikultura, umabot na sa mahigit P22 bilyon – NDRRMC

Umabot na sa mahigit 22 bilyong piso ang kabuuang pinsalang idinulot Bagyong Odette sa imprastruktura at agrikultura ng bansa.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NCRRM), nasa 60.7 bilyong piso ang halaga ng pinsala ng bagyo sa 276 na imprastruktura sa bansa.

Habang nasa nasa 500,000 kabahayan ang nagtamo ng pinsala kung saan 167,000 ang totally damaged.


Nasa 5.3 bilyong piso naman ang napinsala sa sektor ng agrikultura na kinabibilangan ng 709,000 ektaryang pananim.

Ang mga napinsalang rehiyon ay nagmula sa; Mimaropa, Region 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, Caraga at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Facebook Comments