Pinsala ng Bagyong Odette sa sektor ng agrikultura, mahigit ₱362 million na

Umakyat pa sa P362.3 million ang napinsala ng Bagyong Odette sa sektor ng agrikultura sa bansa.

Batay sa Department of Agriculture (DA), 12,906 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan sa Calabarzon, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Central Mindanao, Davao at Caraga regions.

Umabot naman sa 20,319 metric tons ang production loss mula sa 23,438 hektraya ng agricultural areas.


Kabilang sa mga nasirang panamin ang palay, mais, high value crops at fisheries.

Facebook Comments