Pinsala ng Bagyong Rolly sa power distribution facilities, umabot na sa halos P328 million

Umabot na sa ₱327.909 million ang iniwang pinsala ng Bagyong Rolly sa power distribution infrastructure.

Ayon sa National Electrification Administration (NEA), malaki ang natamong pinsala ng mga electric cooperatives sa Bicol Region.

Ang matinding napuruhan ay ang First Catanduanes Cooperative Inc. (FICELCO) na umabot sa ₱133.055 million ang halaga ng pinsala.


Naibalik naman ang kuryente sa 1,144,818 households, sakop ang 54.73% ng higit dalawang milyong consumers na apektado ng bagyo sa Bicol Region at iba pang bahagi ng CALABARZON, MIMAROPA, at Eastern Visayas.

Facebook Comments