Sumampa na sa halagang mahigit P12-B ang iniwang pinsala ng Bagyong Ulysses sa imprastraktura at agrikultura.
Batay ito sa update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa kanilang datos ay mahigit P4-B ang pinsala ng Bagyong Ulysses sa agrikultura habang mahigit P8-B sa imprastraktura.
88,713 bahay naman ang nasira, mahigit 9,000 ay totally damaged habang 78,950 ay partially damaged.
Nanatili naman sa 73 ang nasawi, habang 68 ang nasugatan at 19 ang nawawala na ngayon ay patuloy na pinaghahanap.
Facebook Comments