Pumalo na sa halos 80,000 magsasaka mula sa anim na rehiyon sa pilipinas ang apektado ng tagtuyot.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC) pinakatinamaan ang mga magsasaka sa Bicol Region na mahigit 23,000 ang apektado.
Sinundan ito ng region 12 (SOCCSKSARGEN) na nasa higit 21,000 at ikatlo ang Region 8 (Eastern Visayas) na mahigit 16,000 ang apektado.
Bukod dito, matindi rin ang pinsala sa mga magsasaka sa Bangsamoro Autonomous Region In Muslim Mindanao (BARMM), Mimaropa At Region 6.
At dahil sa matinding dry spell, nagdeklara ng state of calamity sa Mimaropa, Zamboanga, Soccsksargen, Barmm At Cebu.
Sa kabuuan, umabot na sa halos P2.7-billion ang halaga ng pinsala ng El Niño.
Sa pagtaya ng Pagasa, nasa 61 percent ng pilipinas ang nakakaranas ngayon ng drought habang 31 percent ang nakakaranas ng dry spell.