Pinsala ng lindol sa Davao de Oro, pumalo na sa mahigit ₱40-M

Umakyat na sa halos ₱42.3 million ang pinsala ng mga imprastraktura kaugnay sa sunod-sunod na malakas na pagyanig sa Davao de Oro as of March 9.

Sa panayam ng RMN Davao kay Franz Irag, Office of the Civil Defense (OCD) XI Operations Section Chief, ito’y batay sa reports sa mga pinsala sa istruktura na naitala ng Department of Education (DepEd) XI, Department of Public Works and Highways (DPWH) at Disaster Risk Reduction and Management Offices (DRRMO).

Kaugnay sa datos sa nagpapatuloy na tally at validation, 13,560 na mga indibidwal o halos 3,000 pamilya ang apektado.


Ayon kay Irag, may mga naiwan pang mahigit 1,000 pamilya na nasa 20 evacuation centers sa probinsya sa kadahalinan na nasira ang bahay at delikadong uwian dahil sa patuloy pa rin nararamdamang pagyanig kung saan na umabot na sa 1,000 aftershocks ang naitala.

Dagdag nito, nasa 352 na mga bahay ang reported na totally damage habang halos 400 ang partially damage.

Wala namang naitalang namatay sa lindol pero mahigit 60 residente ang binigyan ng medical assistance dahil sa pagkadapa, nahilo, at nawalan ng malay dahil sa malakas na pagyanig.

Samantala, binisita naman ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mga residente sa Davao de Oro kahapon para kumustahin at bigyan ng tulong pinansyal at family food packs ang mga apektado.

Facebook Comments