Umapela si House Speaker Martin Romualdez sa mga mambabatas mula sa Norte na tumulong sa pagdetermina sa lawak ng pinsala ng magnitude 7 na lindol sa kani-kanilang lalawigan.
Layunin ng apela ni Romualdez na maikonsidera sa pagtalakay ng panukalang pambansang pondo sa susunod na taon ang pagsasaayos at rehabilitasyon sa mga napinsala ng lindol.
Nangako si Romualdez na susuportahan ng Kamara ang alokasyon ng pondo para sa rehabilitation and restoration ng mga public infrastructure sa ilalim ng 2023 proposed national budget.
Ayon kay Romualdez, kailangang maisumite agad ang assessment sa pinsala ng lindol para maisama sa National Expenditure Program o N-E-P ng Department of Budget and Management (DBM) para sa susunod na taon.
Facebook Comments