Pinsala ng nagdaang Bagyong Egay at Habagat sa sektor ng edukasyon, umabot na sa higit ₱800-M ayon sa DepEd

Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na umakyat na sa ₱810 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng edukasyon na dulot ng pananalasa ng Bagyong Egay at Habagat.

Batay sa pinakahuling datos ng DepEd, nasa 169 na mga paaralan ang nasira sa siyam na rehiyon.

Paliwanag pa ng DepEd na kabilang dito ang Cordillera Administrative Region (CAR), National Capital Region (NCR), Region 1, Region 2, Region 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, at Region 8.


Habang 68 na paaralan naman ang ginagamit na evacuation centers sa apat na rehiyon sa bansa, kabilang ang CAR, Region II, Region III, at Region VI.

Facebook Comments