Pira-pirasong katawan ng tao na natagpuan sa magkakaibang lugar sa Cavite, hindi pa rin natutukoy ng pulisya

Hindi pa rin nakikilala ang pira-pirasong katawan na natagpuan sa iba’t ibang lugar sa lungsod ng Cavite.

Sa open canal ng Barangay Pasong Camachile Dos may natagpuan na katawan na walang ulo, walang kamay at paa.

Habang unang natagpuan ang binti noong Lunes ng hapon sa ilog ng Barangay Bacao Uno.


Ayon sa barangay investigator ng Barangay Bacao Uno na si Ajhie Parin, hinala nila binti ng babae ang kanilang nakita dahil sa makinis at hindi mabalahibo.

Una nang may nai-report na isang babae may edad na 16 anyos mula sa Barangay Bacao Dos daw ang nawawala.

Sa report ng pulisya, may posibilidad na iisang tao lang ang natagpuang body parts ng tao.

Samantala, nakipag-ugnayan na rin ang pulisya sa karatig-barangay para mahanap pa ang ibang parte ng katawan habang tinutukoy rin ng pulisya ang taong gumawa ng karumal-dumal na pagpatay.

Facebook Comments