Pinsala ni Bagyong Ambo sa agri-fishery sector, abot lamang sa P960-M at hindi P1.56-B

Umaabot lamang sa P960.19-million at hindi P1.56-billion ang apektadong produksyon sa agri-fishery ng naging pagsalanta ni Bagyong Ambo.

Abot sa 44,151 metric tons (mt) ang production loss kung saan nasalanta ang nasa 28,147 ektarya ng agricultural areas at apektado ang nasa 54,187 na magsasaka at mangingisda.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), bumaba ang halaga ng pinsala matapos pumasok ang updated report mula sa CALABARZON at Central Luzon, partikular sa iniwang pinsala ng bagyo sa high-value crops at palay.


Isinama na rito ang damage report ng Cordillera Administrative Region, MIMAROPA, Bicol at Eastern Visayas Regions.

High-value crops ang pinakamatinding nagtamo ng pinsala na abot sa P529.78-million.

Kinabibilangan ito ng mga pananim na saging, papaya, assorted fruits at mga gulay.

Sinusundan ito ng palay na nasa P231.32-million; mais, P126.03-million; sa alagaing hayop, P23.60-million; at sa agri-infrastructure, P8.40-million.

Pinamamadali na ni Agriculture Secretary William Dar ang paghahatid ng mga ayuda at interbensyon sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments