Pinsala sa agrikultura dahil kay Bagyong Agaton, tumaas pa sa mahigit ₱270 million

Tumaas pa sa ₱270.3 million ang halaga ng pinsala sa mga pananim sa Eastern Visayas at CARAGA region dahil sa Bagyong Agaton.

Sa huling tala ng Department of Agriculture (DA), aabot na sa 2,199 na magsasaka ang apektado ng kalamidad.

Ayon sa DA, nasa 16,866 metric tons na ang production loss at 3,168 ektarya ng lupang sakahan ang nasira.


Inaasahan pa ng DA na tataas ang halaga ng pinsala sa mga apektadong lugar habang isinasagawa pa ang assessment sa mga sinalantang lugar.

Tinitiyak naman ng DA na may matatanggap na tulong ang mga apektadong magsasaka para makabawi sa pagkalugi.

Facebook Comments